^

Metro

3 nagpakilalang Army, tiklo sa iligal na baril

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong lalaki na nagpakilalang mga miyembro umano ng Phi­lippine Army makaraang makumpiska sa kanila ang dalawang iligal na baril sa loob ng isang KTV Bar sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga dinakip na sina Lawrence Paulo Mercado, 30, ng Brgy. Tañong, Malabon; Gerardo Francisco Mercado, 29, at Jose Miguel Antonio Mercado, 23, kapwa ng Marcelo Street, Baritan, Malabon. Sa tatlo, tanging si Jose Miguel Antonio ang makumpirma na enlisted personnel ng Phi­lippine Army.

Sa ulat, dakong alas- 5:30 ng madaling-araw nang rumesponde sa paghingi ng saklolo ang mga tauhan ng Police Community Precinct 6 sa Bitoy KTV Bar sa may Estrella Street, Brgy. Tañong, dahil sa presensya ng mga armadong lalaki na umiinom sa loob.

Nang puntahan ng mga pulis, unang nakumpiska kay Lawrence ang isang “improvised shotgun” na may isang 12mm na bala. Pumagitna naman sina Jose Miguel at Gerardo na nagpakilalang mga tauhan ng Army.

Sa kabila nito, inaresto rin ng apat na mga pulis ang dalawa. Nakumpiska naman sa posesyon ni Jose Miguel ang isang kalibre .45 na baril at isang magazine na may 7 bala habang isang patalim ang nakuha kay Gerardo at isang bala ng kalibre. 45 baril.

Nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions) dahil sa walang maipakitang papeles sa mga baril.

ACIRC

ANG

ATILDE

BRGY

ESTRELLA STREET

GERARDO

GERARDO FRANCISCO MERCADO

ILLEGAL POSSESSION OF FIREARMS AND AMMUNITIONS

ISANG

JOSE MIGUEL

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with