^

Metro

Pangingikil sa mga vendor masasawata

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Task Force Ven­ding ng Manila City hall na unti-unting masasawata ang pangingikil ng mga empleyado, pulis at sibilyan sa mga vendor.

Ang paniniyak ay ginawa ni Ver Eustaquio, hepe ng TF Vending matapos na mahuli kamakailan si Fredderick See, 35, nakatalaga sa Department of  Public Service  sa isang  entrapment operation.

Ayon kay Eustaquio, marami silang sinusurveillance dahil na rin sa reklamo na kanilang natatanggap ng panggigipit sa mga vendors.

Paliwanag ni Eustaquio, inaayos nila ang mga vendor kaya’t walang  dahilan upang magbigay ang mga ito ng pera sa sinumang manghingi sa kanila.

Sinabi ni Eustaquio na 70 na lamang ang kanyang mga tao sa ngayon mula sa dating 120  matapos ang mahigpit na pagbabantay sa mga ito alinsunod na rin sa kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada na disiplinahin at ayusin ang mga manininda sa Divisoria.

Paliwanag ni Eustaquio,  ipinatutupad din nila ang ‘one strike policy’ kung saan hindi maaring tumanggap ng anumang pabor  ang mga tauhan ng TF Vending lalo na ang DPS  mula sa mga vendor.

Aniya, trabaho ng  DPS na linisin ang kalsada sa May-nila at hindi pakialaman ang  mga vendors.

Naniniwala naman si Estrada na  may grupo si See na nagpoproteksyon  sa gawain nito. Ani Estrada, hindi naman nila ito papayagan lalo pa’t pagpapahirap ito sa mga vendors.

ANG

ANI ESTRADA

EUSTAQUIO

FREDDERICK SEE

MANILA CITY

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MGA

NBSP

PALIWANAG

PUBLIC SERVICE

TASK FORCE VEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with