^

Metro

Jail officer patay sa ambush

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agad na nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ang isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala sa likod ng ulo na tumagos sa mukha ang biktimang si Jail Inspector Leo Jaucian, deputy Jail warden ng Navotas City Jail.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas- 11 ng umaga sa tapat ng Navotas Prosecutors Office building sa may M. Naval Street, Brgy. Sipac Almacen, at ilang metro ang layo sa Navotas City Hall.

 Naghihintay umano ng masasakyan pauwi ang biktima nang lapitan ng nag-iisang salarin at agad na barilin buhat sa likuran si Jaucian. Agad na tumakas ang salarin nang umangkas sa isang motorsiklo na minamaneho ng isa pang lalaki at humarurot tungo sa direksyon ng C-4 Road.

Rumesponde naman umano ang mga tauhan ng Navotas Police ngunit bigo na masakote ang mga salarin. Isa sa posibleng tinitignan na anggulo sa krimen ang kaugnayan nito sa paghahagis ng granada sa Navotas City Jail noong Mayo 28 habang tinitignan rin kung personal rin ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

ANG

BRGY

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

JAIL INSPECTOR LEO JAUCIAN

NAVAL STREET

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY HALL

NAVOTAS CITY JAIL

NAVOTAS POLICE

NAVOTAS PROSECUTORS OFFICE

SIPAC ALMACEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with