^

Metro

Probe sa ‘lagayan’ sa Baclaran, hiling

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat kahapon ng mga taong simbahan at mga vendor associations sa Baclaran si Parañaque Mayor Edwin Olivarez na bumuo ng isang fact-finding committee para imbestigahan ang mga kawaning sangkot umano sa mga tong collection sa lugar.

Ito ay matapos umapela kay Olivarez ang walong presidente ng bawat vendor association na agad sibakin sa pwesto ang mga opisyales ng city hall na miyembro ng “Baclaran 7 gang”,  na pinamumunuan nina alyas Adam at Eve.

Nabatid sa mga vendors, tinatakot ng “Baclaran 7” ang kanilang mga miyembro na uma­abot sa halos 1,500, ka­pag hindi sila makapagbigay ng P300 kada-araw sa sindikato na nagsimula noong Dis­yembre nang isang taon.

Nauna rito inatasan ni Olivarez ang pulisya na linisin ang Baclaran hindi lamang sa operasyon ng mga sindikato na regular na nangongolekta ng tong mula sa mga illegal vendors kundi maging sa lahat ng uri ng krimen o mga kawatan na nag-ooperate rito.

Naalarma si Olivarez sa mga pahayag ng mga vendors na  nagbabayad daw sila kada araw sa mga lider ng “Baclaran 7”, kapalit ng pagtitinda sa lugar. Kontrolado umano ng grupo ang lugar at nagreremit sa ilang personalidad sa Parañaque city hall kada linggo.

Ibinunyag din ng mga stall owners na regular silang nagre-remit ng halagang P300 araw-araw sa isang alyas Jojo.

Para sa kanyang agarang aksyon, nagtalaga din si Olivarez ng spokesperson, si Mario Jimenez, hepe ng special services office, para agarang masagot ang mga paratang ng mga Baclaran vendors at iba pang isyu sa lungsod.

ACIRC

ANG

ATILDE

BACLARAN

HINIKAYAT

IBINUNYAG

ITO

MARIO JIMENEZ

MAYOR EDWIN OLIVAREZ

MGA

OLIVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with