^

Metro

8-anyos nadismaya sa unang date ng ‘AlDub’, nagbigti

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palaisipan sa Quezon City Police District kung ang pagkadismaya sa unang date nina Alden Richards at Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza ang ugat sa pagbibigti ng isang 8-anyos na paslit  sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon sa nakalap na ulat buhat sa ilang ka-lugar ng biktimang itinago sa alyas na Paul, ng naturang barangay madalas manood ng ‘Aldub kalyeserye’ ang naturang bata.

Anya, mula ng mainis ang bata sa konting minuto lamang na date ng ‘Aldub’ noong nagdaang Sabado, nagmukmok na ito hanggang sa alas-12:00 ng tanghali kama­kalawa. Doon din nadiskubreng magpapatiwakal ang biktima  sa loob ng kanilang kuwarto sa Area B. Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng pulisya, na­gulat umano ang ama ng biktima nang makita ang na­­ngingisay na anak na na­ka­bitin sa beam ng kanilang bahay gamit ang linen cloth na nakapulupot sa leeg nito.

Kaagad na ibinaba ng ama ang biktima at isinugod sa FEU Medical Center kung saan naagapan at ngayon ay nasa maayos ng kondisyon.

Gayunman, patuloy na binubusisi ni PO3 Jovelyn Agustin ng QCPD station 6 Women’s Desk, may hawak ng kaso ang tunay na ugat sa  tangkang pagpakamatay ng paslit.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALDUB

ANG

AREA B

BRGY

HOLY SPIRIT

JOVELYN AGUSTIN

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with