^

Metro

Tumungga ng lason, biyuda patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang  biyuda matapos na tumungga ng  umano’y lason kamakalawa ng  gabi  sa Navotas City.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Leny Laderas, 37, may-ari ng isang sari-sari store, at residente ng No. 417 Brgy. North Bay Boulevard North, ng naturang lungsod.

Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nang makarinig ng kakaibang ungol ang mga kaanak ng biktima buhat sa bahay nito kaya dali-daling pinasok ang bahay.

Nakita ng mga kaanak ang nakabagsak na biktima na bumubula pa ang bibig. Sa tabi nito, natagpuan ang isang maliit na botelya na hinihinalang may lamang lason.

Agad na isinugod ng mga kaanak si Laderas sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay. Dinala na ang bangkay nito sa St. Valentines Funeral Homes para sa awtopsiya.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matiyak na walang foul play sa insidente at mabatid ang dahilan ng posibleng pagpapatiwakal.

ANG

BRGY

DINALA

LADERAS

LENY LADERAS

NAKITA

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD NORTH

PATAY

ST. VALENTINES FUNERAL HOMES

TONDO MEDICAL CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with