^

Metro

Rider salpok sa jeep, lasog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang 35-anyos na rider matapos na sumalpok sa isang pampasaherong jeep sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Renato Gabriel,  ng Brgy. 171, Bagumbong ng nasabing lungsod sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Ayon kay Caloocan City police traffic investigator PO3 Michael Calora, naganap ang insidente alas-6:15 ng gabi.

Nabatid, na minamaneho ng biktima ang kanyang Yamaha motorcycle (1445-CM) habang binabagtas ang kahabaan ng Congressional Road nang makabanggaan nito ang isang pampasaherong jeep (NYY-433) na minamaneho naman ni Ronel Omali, 23, ng nasabing lungsod.

Ayon sa testigo, nakita niyang nag-overtake ang biktima sa isa pang sasakyan na naging dahilan upang makabanggaan nito ang kasalubong na jeepney.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima sa kanyang motorsiklo, dahilan upang magtamo ito ng matinding pinsala.Agad naman itong isinugod  sa  ospital, subalit hindi na umabot pang buhay.

Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng pam­pasaherong jeep na ipaghaharap ng kaukulang kaso.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAGUMBONG

CALOOCAN CITY

CONGRESSIONAL ROAD

DR. JOSE N

MICHAEL CALORA

RENATO GABRIEL

RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

RONEL OMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with