^

Metro

Mister itinumba sa loob ng bahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinumba ng apat na armadong kalalakihan mismo sa loob ng kanyang bahay ang isang 37-anyos na lalaki sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Karden Mustafa, alyas Erick Muslim, residente ng Apla­ya, Baseco Compound sanhi ng 14 na tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Ligtas naman ang misis nitong si Baelyn, 39- anyos na inutusan ng mga suspect na lisanin ang bahay para hindi na madamay.

Nabatid na pinosasan pa ng mga suspect ang biktima bago tinadtad ng bala.

Sa inisyal na ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima habang nagpapahinga ang mag-asawa nang pasukin sila ng mga suspect.

Sinabi ni Baelyn sa imbestigador na kahit nagmamakaawa ang mister ay hindi ito pinakinggan at sa halip ay sunud-sunod na putok ang ibinigay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

APLA

BAELYN

BASECO COMPOUND

ERICK MUSLIM

GLENZOR VALLEJO

ITINUMBA

KARDEN MUSTAFA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PORT AREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with