^

Metro

Reformed CTPL, kinontra ng insurance groups

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng matinding pagtutol ang grupo ng ibat- ibang insurance companies sa bansa  sa bagong inilatag na Reformed Compulsary Third Party Liability (CTPL) para sa non-life insurance ng Land Transportation Office (LTO)

Sa isang panayam, sinabi ni Salvador “Buddy” Nativi-dad, National President ng Bukluran ng mga Manggagawa sa Industriya ng Seguro, ayaw nila sa Reformed CTPL dahil magbubunsod lamang  ito ng monopolya sa industriya ng car insurance.

“Dito kasi sa Reformed CTPL, ganun din ang sistema ang nabago lang ay magkakaroon na ng single administra-tor o iisang kompanya na hahawak ng lahat ng insurance company sa buong bansa, ayaw namin sa monopoly,” pahayag ni Natividad.

Binigyang diin pa ni Natividad na payag naman sila na maayos ang sistema ng insu-rance sa buong bansa pero dapat ituloy ang pagpapa-iral sa sinasabi ng batas na payagan ang mga kompanya na magbigay ng seguro sa mga sasakyan at hindi dapat ito pangangasiwaan ng nag-iisang kompanya lamang .

“Sinasabi ng LTO na aayu­sin sa Reformed CTPL ang pag­seseguro sa mga sasakyan at magkakaroon ng data base, matagal na itong naayos, nawala na rin ang fly-by-night noong mga nagdaan taon na kinuha ng LTO ang tulong ng Bureau of Internal Revenue at Insurance Commission at dito naitama na rin ang pagkuha ng gobyerno ng buwis sa bawat insurance company, so anu pa ang babaguhin, para sa ano ito? Para sa eleksiyon”, paliwanag ni Natividad.

Batay sa kasalukuyang pagbibigay ng insurance sa mga sasakyan ng mga insurance company sa ilalim ng CTPL, kinuha ng LTO ang serbisyo ng Bayad Center upang ito ang sasala ng mga insurance company ng mga sasakyan nationwide. Ito  ang ginamit na collection arm ng LTO para makabayad ng tamang buwis sa pamahalaan ang mga insurance company. Ang mga data base naman ng mga Insurance company ay ang Insurance Commission at ang BIR batay sa kanilang kasunduan sa pagitan ng LTO.

Kahapon, nilusob ng mga tauhan ng ibat ibang insu-rance company ang LTO dahil kontra sila sa Reformed CTPL na nais maipatupad ng LTO, bukod sa magkakaroon dito ng monopolya ay mawawalan ng trabaho ang milyong  kawani ng insurance industry kapag naipatupad ito.

Kahapon ng hapon ay isang public hearing ang isinalang ng LTO sa Bulwagang Edu ng LTO sa hanay ng mga insurance company at giit nila na maipatupad ang status que dahil walang maitutulong sa maliliit na negosyante at manggagawa ang Reformed CTPL.

ACIRC

ANG

BAYAD CENTER

BULWAGANG EDU

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMPANY

INSURANCE

INSURANCE COMMISSION

LTO

MGA

NATIVIDAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with