^

Metro

Indian national dinukot

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dinukot ng mga armadong lalaki ang isang negosyanteng Indian national nang harangin ang kotse nito sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kini­lala ni Caloocan City Police chief, Senior Supt. Bartolome Bustamante ang dinukot na si Val De Leon Singh, 34, ng Commonwealth Ave­nue, Quezon City. Sa inisyal na ulat, sakay ang biktima ng kanyang puting Toyota Corolla Altis (NIO 959) na minama­neho ng driver nitong si Carlino Estrada dakong alas-8:30 ng gabi at binabagtas ang Malaya Street, Brgy. 181, Caloocan City nang harangin ng isang pu­ting Toyota Fortuner (YHC 197).

Dalawang armadong lalaki ang lumabas at sapilitang ki­naladkad saka isinakay ang biktima sa Fortuner saka mabilis na sumibad palayo. Dalawang beses pang nagpaputok sa ere ang mga salarin bago tumakas.

Agad namang iniulat ni Estrada ang insidente sa pulisya kaya rumesponde ang mga ta­uhan ng Police Community Pre­­cinct 4 at natagpuan ang abandonado nang Toyota Corolla ng biktima sa may Quirino. Sinabi ni Bustamante na wala pa uma­nong tumatawag sa pamilya ng biktima buhat sa mga kidnaper.

Patuloy naman nila na nakarehistro sa Davao City ang For­tuner na ginamit ng mga kid­naper. Ipinasa na rin ng Ca­­­loocan Police ang imbestigas­yon sa National Anti-Kidnapping Task Force sa naturang insidente.

ACIRC

ANG

BARTOLOME BUSTAMANTE

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CARLINO ESTRADA

COMMONWEALTH AVE

DALAWANG

DAVAO CITY

MALAYA STREET

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with