^

Metro

Hospital driver, huli sa shabu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang  driver ng Gat Andres Bonifacio  Memorial Medical Center (GABMMC) matapos na ma­hulihan ng  shabu sa ginawang inspeksyon kamakalawa ng gabi sa  nasa-bing ospital sa  Tondo, Maynila.

Kinilala ni City Security Force (CSF) chief, Capt. Jaime de Pedro ang suspek  na si Amado Salmos, 53 residente ng  Kundiman St. Sampaloc Maynila. Sasampahan ito ng kasong paglabag sa  Sec. 11 at Sec 12 ng  Art. II ng Republic Act 9165.

Batay sa report,  inutos ni  GABMMC Director Dr. Ma. Luisa Aquino, ang random inspection sa lahat ng empleyado ng nasabing ospital bunsod na rin  umano’y report na  ilan sa mga ito ang gumagamit ng  shabu o methampethamine hydrochloride

Miyerkules  ng gabi nang  sumailalim sa inspeksiyon si Salmos at nakita ang isang plastic sachet at aluminum foil sa compartment  ng motorsiklo gayundin sa bulsa nito.

Agad na kinumpiska ang shabu at paraphernalia at dinala si Salmos ng mga tauhan ng CSF sa MPD-Station 2.

Ayon kay de Pedro, sini­si­mulan na niya ang  pagli­linis sa mga tauhan ng CSF kung saan maaaring matanggal sa trabaho ang mga mahuhuling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

ACIRC

AMADO SALMOS

ANG

ARESTADO

GAT ANDRES BONIFACIO

KUNDIMAN ST. SAMPALOC MAYNILA

LUISA AQUINO

MEMORIAL MEDICAL

NBSP

REPUBLIC ACT

SALMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with