^

Metro

MMDA tututok na lang daw sa secondary roads

, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang mga secondary roads ngayon ang tututukan ng Me­tro­­politan Manila Development Authority (MMDA)  na siyang magsisilbing alternatibong ruta ng mga motorista lalu na ngayong pumasok na ang ‘ber months’.

Sinabi kahapon ni  MMDA Assistant General Mana­ger for Operations Emerson Carlos,  kanilang tututukan ngayon ay ang paglilinis ng mga secon-dary roads mula sa mga obs­truction o mga nakaharang, gayundin ang mga sidewalk vendors at  illegal parking.

Bahagi na umano ito ng muling pag-activate ng Mabuhay lanes o kilala sa tawag na Christmas lanes. Makikita sa website ng MMDA ang mga itinala­ga nitong Christmas lanes na maaaring gamitin o daanan ng mga motorista upang makaiwas  ng trapik. Ito ay dahil na rin sa  inaasahang lalo pang sumikip ang trapik partikular sa mga lugar na malapit sa shopping malls.

Nabatid na kamakalawa ng gabi libu-libong mga ma-nanakay at mga motorista ang naistranded at mistulang naging malaking parking lot ang kahabaan ng EDSA dahil sa napakatinding trapik dulot ng ma­ta­as na pagbaha sanhi ng malakas na pag-ulan. Matinding kunsumisyon ang dinanas ng publiko at karamihan ay sa daan at sa kahabaan ng EDSA nagpalibas ng gabi.

ACIRC

ANG

ASSISTANT GENERAL MANA

BAHAGI

ITO

MABUHAY

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

NBSP

OPERATIONS EMERSON CARLOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with