‘Hindi kami nang-iwan’ -- MMDA
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng MMDA na iniwan nila sa ere ang HPG kaya nagkabuhol-buhol ang trapik, kamakalawa ng gabi.
Hindi aniya totoo na walang mga enforcer at baka lamang aniya hindi nakita ang mga ito dahil naka raincoat ng dark color.
Ayon kay Crisanto Saruca, hepe ng MMDA Traffic Discipline Office, handa naman silang tumulong sa HPG para sa pagmamando ng trapiko sa EDSA, kung saan nagdagdag sila kahapon ng 250 bilang ng mga enforcer upang umalalay dito.
Matapos silang magtu-ngo kahapon sa Camp Crame upang makipagpulong sa HPG para sa magiging papel nila dito at ina-adjust na aniya nila ang lahat.
Ang naging hakbangin ng MMDA ay matapos sabihin ng HPG, na hindi umayuda sa kanila ang MMDA at kulang sila sa mga tauhan.
Ayon sa naturang opis-yal, dati-rati ay nasa 400 MMDA enforcers ang naka-deploy sa EDSA at dahil pumasok na ang may 170 bilang ng HPG, kung kaya’t binawasan nila ang bilang ng kanilang enforcer at dineploy sa ibang area.
- Latest




















