^

Metro

Kahit papaano sa unang araw may pagbabago sa trapiko

Pilipino Star Ngayon

‘Unti-unti lang’ -- HPG chief   

MANILA, Philippines - Naisaayos at bahagyang lumuwag ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA ma­tapos ang umpisa ng deploy­ment kahapon ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) traffic enforcers.

Ito ang assessment na  inihayag kahapon ni PNP-HPG Director P/Chief Supt. Arnold Gunnacao na sinabing basta’t tulung-tulong ay maaayos ang matinding daloy ng trapiko na siya nilang misyon sa EDSA.

“Naging smooth so far, na­ayos natin at tuloy-tuloy pa ang ating assessment sa mga adjustments na isasagawa ng PNP-HPG traffic enforcers”, pahayag ni Gunnacao.

“Araw-araw sana magkaroon ng developments. Sa loob ng isang linggo, maki­kita natin ang solusyon na magagawa natin, unti-unti, pag-aaralan ko ‘yung mga dapat isara at dapat buksan na kalsada,” dagdag pa nito.

Kahapon, pinangunahan ni Gunnacao, ang clearing operations ng mga behikulong naka-illegal parking sa Balintawak area, isa sa anim na mga chokepoints na ma­tindi ang trapiko gayundin ang pagpapaalis sa mga vendors na nakakasagabal sa biyahe ng mga sasakyan.

Humihingi pa nang kaun­ting panahon ang HPG para mapag-aralan at tuluyan nilang maisaayos ang trapiko dito.

Sa panig naman ni PNP Chief Gen. Marquez, sinabi nito na huwag asahan ang aga­rang ‘magic’ sa EDSA dahilan hindi porke’t nakadeploy na dito ang PNP-HPG operatives ay mawawala na ang malalang daloy ng trapiko manapa’y ma­iibsan lamang.

May ilang nainis, may ilang natuwa sa pagkaka-deploy sa HPG.

Nainis dahil, ayon sa ilang pasahero, hindi rin naman anya nagbago ang takbo ng sasak­yan mula Kamuning, patu­ngong Cubao at Santolan.

Ayon sa ilang mga pasa­hero, pareho din ng dati ang sitwasyon sa naturang lugar, kahit wala ang HPG at ipina­patupad ng yellow lane sa mga bus, dahil talaga namang bumper to bumper ang sitwasyon sa nasabing mga lugar kapag rush hour.

Sa pagsisimula nga ng HPG  sa paghawak sa malalang pro­blema sa trapiko sa kahabaan ng Edsa, marami ang natuwa, pero meron  din ang nainis.

Nainis dahil, ayon sa ilang pasahero, hindi rin naman anya nagbago ang takbo ng sasak­yan mula Kamuning, patu­ngong Cubao at Santolan. Sabi ng mga pasahero, pareho din ng dati ang sitwasyon sa natu­rang lugar, kahit wala ang HPG at ipinapatupad ng yellow lane sa mga bus, dahil talaga namang bumper to bumper ang sitwasyon sa nasabing mga lugar kapag rush hour.

Gayunman, kung ang bi­yahe sa Cubao ay marami ang nagalit, marami namang­ na­­­tuwa sa maluwag na daloy ng trapiko sa may Edsa Balintawak.

Kung dati ay nagkukumpulan ang mga sasakyan galing sa monumento, partikular sa southbound lane pagsapit sa Balintawak, nga­yon ay halos apat na linya nito ang nada­anan. Kaya naman tuluy-tuloy ang takbo ng mga sasakyang patungo sa Edsa Quezon Ave­nue.

Lumuwag ang kalye sa Balintawak, matapos na pagtatanggalin ng HPG ang mga nakahilerang mga vendors at illegal na mga nakaparadang mga sasakyan sa harap ng palengke.

Ilang minuto lamang pi­nagtatagal ng HPG ang mga sasakyang nahahatid ng kanilang produkto sa palengke kung kaya walang nakaparada dito.

Gayunman, ilang mga mamimili at mga kargador naman ang umaangal dahil malayo ang kanilang nila­­lakad para bitbitin ang mabibigat nilang pinamili bago makasakay.

Pero, sabi ng mga mamimili, titiisin na lang nila ang ganitong sitwasyon, basta mag­tuluy-tuloy ang ipinapatupad ng HPG sa mahigpit na pagmamando sa Edsa, at hindi “ningas cogon” lamang.

 

ACIRC

ANG

ARNOLD GUNNACAO

BALINTAWAK

CHIEF GEN

CHIEF SUPT

CUBAO

HPG

MGA

NBSP

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with