^

Metro

Lim sasabak uli sa mayoral race

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinumpirma kahapon ni dating Manila City Hall chief of staff Ric De Guzman na sasabak muli sa eleksiyon ang crimebuster  na si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim para pagbigyan ang panghihikayat ng mga Manilenyo.

Sa panayam kay De Guzman, tatakbo muli si Lim sa pagka-alkalde sa 2016.

Matindi na aniya, ang panawagan sa dating alkalde na muling mamuno sa lungsod upang maibalik ang kaayusan at mabawasan ang mataas na krimen.

Nasasakripisyo aniya, ang mga ‘true-blue resident’ at constituents sa hindi maayos na takbo ngayon ng lungsod.

Sa mga isinagawang survey, patuloy pa rin ang pag-ani ng suporta ng da­ting alkalde sa mga taga-Maynila na nais siyang ibalik sa pwesto.

Dahil dito, desidido na uli si Lim na tumakbo sa hangarin na ibalik ang maayos na pamamahala sa lungsod lalo na ang mga ipinagkakait na dating libreng basic services  at gamot sa mga ospital , pag-aaral para sa mga mahihirap mula daycare hanggang kolehiyo na walang bayad, pagbabalik sa mababang buwis na itinaas ng kasalukuyang admisnitrasyon sa 300 porsyento.

Inirereklamo din aniya ng mga constituents sa kanilang mga barangay opisyal ang sobrang hirap na makakuha ng serbisyo sa anim na ospital na pinatatakbo ng lungsod, bukod pa sa may bayad na ito mula consultation hanggang sa admission na kinakailangang bayaran, maliban sa mga gamot.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

DE GUZMAN

INIREREKLAMO

KINUMPIRMA

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILENYO

MGA

RIC DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with