^

Metro

2 bangkay nadiskubre sa Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang bangkay ng lalaki na may mga tama ng bala sa katawan ang na­tagpuan sa isang eskinita sa lungsod Quezon kamaka­lawa.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, isinalarawan lamang ang mga bangkay na nasa pagitan ng edad na 25-30, may taas na 5’4, payat ang  pangangatawan, habang ang  isa ay nakasuot ng itim na t-shirt at maong pants, nakasuot naman ng kulay purple na t-shirt at maong na pants ang isa pa.

Ayon kay PO2 Alvin Qui­sumbing, may-hawak ng kaso, ang mga biktima ay nadiskubre ng isang Juraid Sahibun sa may loob ng Salaam Mosque compound, sa Brgy. Culiat, ganap na ala 1:20 ng madaling araw.

Sinasabing naglalakad si Sahibun, vice-president ng Islamic Directorate of the Philippines, nang madiskubre niya ang dalawang bangkay ng biktima habang naliligo sa sarili nilang mga dugo.

Agad na ipinagbigay alam ni Sahibun ang insidente sa otoridad para maimbestigahan.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) narekober sa tabi ng mga biktima ang anim na basyo ng hindi mabatid na kalibre ng baril habang nagtamo naman ng multiple gushots wounds ang mga ito.

Inaalam ngayon ng pulisya kung sino ang  suspek at motibo sa krimen.

ACIRC

ALVIN QUI

ANG

AYON

BRGY

ISLAMIC DIRECTORATE OF THE PHILIPPINES

JURAID SAHIBUN

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SAHIBUN

SALAAM MOSQUE

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with