^

Metro

Lola naatrasan ng SUV, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 87-anyos na lola makaraang ma­atrasan ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Ca­loocan City.

Nakilala ang nasawi na si Emperatriz Rabenitas, residente ng Block 15 Lot 14 Sunriser Village, Brgy. 167 Llano, ng naturang lungsod.

Isang follow-up opera-tion naman ang isinasaga-wa upang madakip ang suspek na nakilalang si Eugene Zamora, 41, residente ng Brgy. Pawang Bato, Valenzuela City.

Sa naantalang ulat na ipinarating sa Northern Police District, naganap ang insidente dakong alas- 8:15 ng umaga noong Agosto 30 sa Mars Street, Sunriser Village, Caloocan.

Nabatid na nagmamaniobra ng minamaneho niyang Honda CRV (XMH 148) sa naturang kalsada ang suspect nang maatra-san ang biktima na nakatayo sa gilid ng kalsada.

Bumagsak ang biktima at nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan. Mabilis na isinugod sa Quezon City District Hospital ang biktima ngunit nalagutan rin ng buhay.

Tumakas naman ang suspect.

ACIRC

ANG

BRGY

EMPERATRIZ RABENITAS

EUGENE ZAMORA

MARS STREET

NORTHERN POLICE DISTRICT

PAWANG BATO

QUEZON CITY DISTRICT HOSPITAL

SUNRISER VILLAGE

VALENZUELA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with