^

Metro

Dahil sa maling akala anak ng retired general, namaril: 1 utas, 2 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa maling akala, pinagbabaril  ng anak ng isang retiradong heneral ang isang van kung saan isang babae ang nasawi at dalawang iba pa ang nasugatan, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang suspect na si Jose Maria Abaya,  anak ng ret. general ng PC na si   An­tonio Abaya.

Si Abaya, 50, na pamangkin din ni dating AFP Chief of Staff Gen. Narciso Abaya ay kusang sumuko sa himpilan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) matapos ang insidente.

Kinilala naman ni QCPD-CIDU chief, P/Chief Insp. Rodelio Marcelo ang nasawing biktima na si Joyce Santos, residente ng  Barangka, Marikina City. Habang ang mga sugatan ay sina Ronebert Yoot, 36;  enforcer ng City Transportation Management and Development Office (CTMDO) sa Marikina City; at Duke Angelo David II, 20, binata, store manager at residente  ng Brgy. Taniong Marikina City.

Ayon kay Marcelo, si Abaya ay dati nang nasangkot sa pamamaril sa isang security guard noong taong October 2012 kung saan nasampahan ito ng kasong homicide at frustrated homicide sa piskalya sa pagkasugat sa isa pa.

Nakalaya si Abaya matapos na makipagkasundo sa  pamilya ng mga biktima.

Sa imbetigasyon ni PO2 Victorio Gregorio, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Katipunan Avenue, Brgy. White Plains, sa lungsod ganap na alas- 6:45 ng gabi.

Bago ito,  minamaneho ni Yoot ang kanyang Hyundai Grace Van (TWJ-732) sakay ang ilang mga pa­sahero galing sa Megamall, Mandaluyong City, at patungo sana ng San Mateo Rizal nang pagsapit sa naturang lugar ay biglang sumulpot ang suspect na sakay ng kanyang Kawasaki motorcycle.

Mula rito, biglang naglabas ng baril si Abaya saka sunod-sunod na pinaputukan ang mga biktima na nasa loob ng van, saka mabilis na tumakas patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Ayon sa pulisya, ginawa ni Abaya ang pamamaril sa pag-aakalang kukunin siya ng van upang muling dalhin sa rehab matapos na pumarada ito sa lugar habang naroon.

Kasong murder, frustrated murder at ille­gal  possesion of firearms ang inihahandang isasampa laban kay Abaya.

ABAYA

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

CHIEF INSP

CHIEF OF STAFF GEN

CITY

CITY TRANSPORTATION MANAGEMENT AND DEVELOPMENT OFFICE

MARIKINA CITY

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with