^

Metro

Sanggol dinukot ng helper

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinutugis na ngayon ng mga awtoridad ang isang 38-anyos na helper na sinasabing tumangay ng isang buwang sanggol, kamakalawa sa Marikina City.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni officer-on-case na si PO3 Je­nelyn Oro, na ang suspek ay nakilalang si Melfa Salvador, residente ng Buntong Palay Purok 1, San Mateo, Rizal.

Si Salvador ang itinuturong dumukot sa isang buwang gulang na sanggol na anak ni Charmaine Santos, 21, resi­dente ng Blk. 9 Lot 3 Phase 1 Balubad Nangka, Marikina.

Nabatid na ang suspek ay live-in partner ng biyenan ni Santos. Sa salaysay ni Santos sa pulisya, dumating sa ka­nilang bahay ang suspek mula sa San Mateo upang dalawin ang kanyang biyenan na siya nitong laging ginagawa.

Dahil tulog si Santos ay inalagaan ng suspek ang sanggol dakong alas-11:00 ng gabi. Sinamantala naman nito ang pagtulog ni Santos saka tina­ngay ang beybi.

Nang magising ang ina ay laking panlulumo nito nang madiskubreng wala na ang suspek tangay ang kanyang anak.

Humingi  ng tulong sa kanyang mga kamag-anak ang ina at nagtungo sila sa inuupa­hang bahay ng suspek sa San Mateo ngunit wala na ito.

Ayon sa mga kapitbahay ng suspek, nakita nila na karga nito ang sanggol pati na ang kagamitan nang ito’y umalis. Nagsasagawa na ng manhunt ope­ration ang pulisya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BALUBAD NANGKA

BUNTONG PALAY PUROK

CHARMAINE SANTOS

MARIKINA CITY

MELFA SALVADOR

SAN MATEO

SI SALVADOR

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with