^

Metro

Pagsasampa ng kaso vs MTPB chief harassment lang -- city official

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maituturing umano na isang harassment ang gi­na­wang pagsasampa ng kaso ng may-ari ng PMA Towing Ser-vice laban sa hepe ng  Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na si Carter Don Lo­gica sa  Office of the Ombuds­man.

Si Logica ay kinasuhan ng Abuse of Authority, Conduct Prejudicial to the  Best Inte-rest of the Service, Misconduct at Ant-graft and Corrupt Practices Act.

Ang kaso ay isinampa ng isang Alice Nogra na umano’y may-ari ng PMA Towing Ser-vices. Sinasabing kamag-anak umano ito ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Ayon sa isang opisyal ng Manila City hall,  harassment umano ang kasong isinampa laban kay Logica dahil na rin sa pagpapatigil nito ng operas­yon ng  towing ser-vice  bunsod na rin ng sunud-sunod na reklamo.

Kamakailan ay inireklamo din ang PMA dahil sa patuloy na pag-to-tow ng mga ito ng  mga sasakyan sa kabila ng kautusan ni Estrada sa pamamagitan ni Vice Mayor Isko Moreno na ipatigil ang towing operation ng PMA Towing at ng RWM Towing Service.

Lumilitaw na sa kabila ng suspensiyon ay patuloy ang ope­rasyon ng PMA Towing kung saan kabilang sa kanilang nabiktima ay ang sasakyan ng konsehal na si Lei Lacuna.

Nabatid na ipinagma­malaki umano ng mga tauhan ng PMA Towing Service ang isa pang nagngangalang Pao Ejercito na may-ari din ng towing kaya’t tuloy pa din ang kanilang ope­rasyon.

Giit ng opisyal, ginaga­wa lamang ng MTPB at ni Logica ang utos ni Estrada at Moreno dahil na rin sa patung-patong na reklamo.

Ang clamping na ngayon ang ipinatutupad sa Maynila.

ABUSE OF AUTHORITY

ACIRC

ALICE NOGRA

ANG

BEST INTE

CARTER DON LO

NBSP

SHY

TOWING

TOWING SER

TOWING SERVICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with