^

Metro

Coffee shop ng broadcaster na si Anthony Taberna, niratrat

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaulanan ng bala ng baril ang kabubukas-bukas pa lamang na coffee shop ni  ABS-CBN broadcaster Anthony Taberna ng dalawa sa apat na armadong kalalakihan lulan ng tig-isang motorsiklo sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), umabot sa 15 basyo ng bala ng kalibre .45 baril ang narekober sa paligid ng shop na ‘Ka Tunying’s café’  ni Taberna na matatagpuan sa Visayas Avenue, Brgy. Vasra, sa lungsod.

Sabi ni Supt. Christian Dela Cruz, apat na kalalakihan sakay ng dalawang  motorsiklo ang may kagagawan ng pamamaril sa establisimento ni Taberna na nangyari ganap na alas- 2 ng madaling-araw.

Bago ang insidente, base sa pahayag ng security guard ng katabing establisyemento na si Reynaldo Bacurin, isa sa mga suspect ang lumapit sa kanya at nagsabing “Pwede ba magtanong Sir, May kargada ka ba?” 

Nang sagutin ni Bacurin na “wala po sir” saka umano sinimulan ng dalawang suspect ang pamamaril sa shop ni Taberna.

Base sa kuha ng CCTV camera, makikitang isang taxi ang huminto sa lugar kasunod ang dalawang motorsiklo na kapwa may angkas sa likod. Nang maka-alis ang taxi, bumaba naman ang dalawang angkas kung saan isa sa mga ito ang nakitang nagmamadaling nagpunta sa shop.

Sa kabilang kuha ng CCTV, makikitang isa sa mga suspect na may dalang baril ang lumapit sa nakaupong guwardiyang si Bacurin at nakipag-usap ng ilang sandali saka umalis ito hanggang sa makitang nagmamadaling pumasok sa loob ang huli, kung saan sunud-sunod na pinaputukan ng dalawang suspect ang nasabing shop.

Matapos ang pamamaril ay agad na sumakay ang dalawang triggermen sa kanilang kasamahang nasa motorsiklo at sumibat palayo sa lugar.

Samantala, ayon kay Taberna, halos isang linggo pa lamang nagbubukas ang kanilang negosyo at maganda na man ang takbo nito.

Ayon kay Taberna, ayaw naman niyang mag-speculate kung sino ang may kagagawan nito, dahil kung tungkol sa negosyo ay isang linggo pa lamang anyang nag-ooperate ito.

ACIRC

ANG

ANTHONY TABERNA

ATILDE

BACURIN

CHRISTIAN DELA CRUZ

KA TUNYING

NANG

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

REYNALDO BACURIN

VISAYAS AVENUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with