^

Metro

Luneta hostage crisis, ginunita

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Ma­­nila Mayor Joseph Estrada at Buddhist monks ang ikalimang taong paggunita sa Lu­neta hostage crisis na ikinasawi ng walong turista mula sa Hong Kong noong  Agosto 23, 2010.

Ayon kay Estrada, ma­­­halagang alalahanin ang araw  kung kailan na­­ganap ang insidente dahil pagbi-bigay ito ng halaga sa mga Chinese na  nakakatulong din sa ekonomiya ng bansa.

Nais lamang aniyang ipakita sa mga Chinese at iba pang turista na nalulungkot siya sa sinapit ng mga Hong Kong nationals kaya’t minarapat niyang humingi ng tawad noong isang taon kasama si Manila 3rd District Bernardito Ang.

Minarapat ni Estrada at Ang na magtungo sa Hong Kong upang personal na humingi ng  tawad sa mga pamilya ng biktima. 

Si Ang din ang  na­nga­siwa sa Day of Prayer na isinasagawa kahapon sa Luneta Grandstand na dinaluhan ng Chinese Consul at iba’t ibang Chinese Business Club.

Sinabi naman ni Ang na umaasa siya na taun-taon na itong gagawin ng  city govern­ment sa kabila ng pagbabago ng adminis­trasyon. Aniya, resolution lamang ito ng konseho at maaaring ipatigil anumang oras.

ACIRC

ANG

CHINESE BUSINESS CLUB

CHINESE CONSUL

DAY OF PRAYER

DISTRICT BERNARDITO ANG

HONG KONG

LUNETA GRANDSTAND

MAYOR JOSEPH ESTRADA

NBSP

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with