^

Metro

Pasahero ng MRT, inaresto sa ‘bomb joke’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Laging paalala ng awtoridad na ang pagbibiro na may sasabog na bomba sa mga pampublkong transportasyon ay hindi mabuti, matapos na isang lalaking pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) Station 3 sa Quezon City ang dinala sa himpilan ng pulisya, makaraang arestuhin  dahil sa nasa­bing biro habang aktong nire­rekisa ang kanyang dalang bag, ayon sa pulisya kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 10, ang dinakip na pasahero ay kinilalang si Patrick Cabrera, 23, binata at residente sa Cavalier St., East Ave­nue, sa lungsod.

Ayon kay PO1 Mark Jason Gapol, desk offi-cer ng PS-10, si Ca­brera ay dinala sa kanilang himpilan base sa reklamo ng pamunuan ng MRT-3 sa pamamagitan ng representante na si Julius Patrick Calpito ng kasong paglabag sa Presidential Degree 1727 o anti-bomb joke law.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na nangyari ang insidente sa MRT Quezon Avenue station, Brgy. Pinyahan, Diliman sa lungsod, ganap na alas- 6:45 ng umaga.

Diumano, pasakay si Cabrera sa tren ng MRT kung saan tulad ng maraming pasahero ay dumaan muna ito sa baggage check bago tuluyang makapasok sa loob ng naturang istasyon.

Sinasabing bago simulan ng guwar-d­yang si Maida Cariño na buksan ang dalang bag ni  Cabrera para inspeksyunin, nagbitaw ng biro ang huli sa pagsasabing “Te’ dahan-dahan lang po, baka sumabog ang bomba.”

Dahil dito, nakaram­dam umano ng takot ang guwardiya sa naturang biro sanhi para agad itong tumawag ng back up sa kasamahan upang tuluyang marekisa ang bag ni Cabrera.

Ang resulta, negatibo sa bomba ang bag ni Cabrera at dahil sa kanyang biro ay ina­resto siya at dinala sa naturang himpilan para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, sabi ni PO1 Gapol, sa kanilang himpilan ng komprontahin si Cabrera ng representante ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ng MRT ay tanggap nito ang kanyang pagkakamali at napagkasunduang patawan na lamang ang huli ng parusang community service sa MRT station sa loob ng walong oras.

ACIRC

ANG

CABRERA

CAVALIER ST.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

EAST AVE

JULIUS PATRICK CALPITO

MAIDA CARI

MARK JASON GAPOL

METRO RAIL TRANSIT

PATRICK CABRERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with