^

Metro

Bagatsing una sa mayoralty survey sa Maynila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumabandera ang pangalan ni Manila 5th District Congressman Amado Bagatsing bilang pinakamabango sa mga tatakbong alkalde sa Lungsod ng Maynila ngayong darating na 2016 election.

Batay sa nakalap na datos buhat sa isang source, mula umano sa isinagawang latest survey ng isang Political Party, kung ngayon gagawin ang eleksyon sa pagka-mayor sa Maynila, pipiliin ng mga Manilenyo ang three termer Congressman na si Bagatsing bilang alkalde ng lungsod kumpara kina dating Mayor Alfredo Lim, incumbent Mayor Joseph “Erap” Estrada, at incumbent Vice-Mayor Isko Moreno.

Sa kabuuan, nakakuha umano si Bagatsing ng 32%, habang 24% kay Lim, 22% kay Estrada, 8% kay Moreno at ang 14% na natitira ay nagsabing “undecided”.

Nito ring nakalipas na Linggo, inamin rin ng dalawang bete-ranong political consultants mismo ni Estrada na sa pinakahu-ling mayoralty survey na ginawa ng kampo ni Erap, lumabas na pumapangatlo lamang si Erap kasunod ni Lim habang si Moreno ay lumanding din sa panghuling pwesto.

Samantala, ayon sa isang beteranong political analyst at Polytechnic University of the Philippines College of Law Dean Atty. Gemy Lito L. Festin, hindi na umano kataka-ta­ka ang resulta ng mga survey. Anito, ang pagbulusok pa­baba ng ratings nina Lim at Estrada katulad na lamang ng patuloy na kahirapan na nararamdaman ng mga Manilenyo, ang isyu ng Torre de Manila, ang isyu sa pagsasapribado ng mga palengke, ang pagkakaroon ng bayad sa mga pampublikong ospital sa lungsod, at marami pang iba.

ACIRC

ANG

BAGATSING

DISTRICT CONGRESSMAN AMADO BAGATSING

ERAP

GEMY LITO L

MANILENYO

MAYNILA

MAYOR ALFREDO LIM

MAYOR JOSEPH

MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with