^

Metro

Binatilyo dedo sa 3 lasing

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 17-anyos na bina­tilyo ang napatay sa bugbog ng tatlong lasing na lalaki ma­tapos na akalaing sila ang pi­nagtata­wanan kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dead on arrival sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Ramil Trapalgar, ng Lupang Pangako, Bgy. Pa­yatas ng nabanggit na lungsod habang natukoy naman ang isa sa mga suspek sa alyas “Suwe” na ngayon ay tinutugis ng otoridad.

Ayon kay P02 Julius Raz, may hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Block 3, Phase 3, Lupang Pangako ng nasabing barangay, ganap na alas-11 ng gabi.

Bago ito, masayang nagkukuwentuhan ang biktima at pinsang si Jessie nang duma­ting ang mga lasing na suspect at kinompronta ang mga una sa pagsasabing “pinagtitripan nyo ba kami?”

Sumagot naman ang da­lawa ng “hinde natatawa lang kami,” hanggang sa magalit ang mga suspect at nagha­mon ng suntukan.

Nang hindi sila pinansin at pinatulan ng mga biktima, uma­lis ang mga suspect, su­ba­lit muling bumalik at saka hinamon muli ang mga biktima hang­gang sa mauwi ito sa pambubugbog.

Nagawang makatakbo ni Jessie na humingi ng tulong sa kanyang tatay subalit nadatnan nila si Trapalgar na wala ng buhay at nakabulagta sa lugar.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JESSIE

JULIUS RAZ

LUPANG PANGAKO

MGA

QUEZON CITY

RAMIL TRAPALGAR

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with