^

Metro

300 pamilya nasunugan sa Parañaque

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang may 100 kabahayan dahil sa electrical overload sa Parañaque City kamakalawa.

Sa ulat na natanggap ni Parañaque City Fire Marshal Supt. Renato Capuz, alas-5:00 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa bahay  ng isang Aling Sita sa Malugay St., Barangay  San Martin De Porres ng nasabing lungsod.

Kumalat ang apoy sa 100 pang kabahayan na pawang gawa lamang sa light materials.

Nahirapan naman ang mga bumberong  makapagres­pon­de dahil makitid ang daan.  Umabot ng walong oras ang sunog at ala-1 na ng madaling araw nang tuluyang maapula. 

Wala namang naiulat na nadisgrasya habang nasa P3 million ang mga ari-ariang napinsala.

Pansamantalang dinala sa gym ng Parañaque City Hall at sa mga barangay hall ang mga nasunugang residente para matuluyan ng mga ito.

ACIRC

ALING SITA

ANG

ATILDE

CITY FIRE MARSHAL SUPT

CITY HALL

KUMALAT

MALUGAY ST.

NAHIRAPAN

RENATO CAPUZ

SAN MARTIN DE PORRES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with