^

Metro

Bidding sa mga sirang aircon sa LRT, bigo pa rin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa rin naaayos hanggang sa kasalukuyan ang mga sirang air-conditioning units (ACU) ng mga train ng Light Rail Transit (LRT), gayundin ang mga escalators sa mga istasyon nito, bunsod ng bigong bidding sa proyekto.

Ito ang inihayag ni LRT Authority (LRTA) spokesman Atty. Hernando Cabrera kahapon bilang tugon sa tanong ng ilang commuters kung kailan pagtu­tuunan ng pansin ng LRTA ang problema sa air-con at escalators ng LRT, na matagal na nilang idinadaing. Ayon kay Ca­b­rera, ang bidding para sa pagkukumpuni ng escalators ng LRT-2 ay una nang inilathala ng LRTA noong nakaraang buwan.

Ang deadline aniya sa pagsusumite ng bidding documents para sa proyekto ay noong Miyerkules ng nakaraang linggo. Gayunman, wala aniyang kom­panya interesadong lumahok sa bidding na nagresulta sa failure o pagkabigo ng bidding process at pagkaantala ng pro­yekto. Sa isyu naman ng repair o overhaul sa air-con units ng mga tren ng LRT-2, sinabi ni Cabrera na isinasapinal na nila ang mga bid documents para dito.

ACIRC

ANG

AYON

BIDDING

CABRERA

GAYUNMAN

HERNANDO CABRERA

ITO

LIGHT RAIL TRANSIT

MGA

MIYERKULES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with