Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo
MANILA, Philippines - Dagdag-bawas presyo naman ang ipatutupad ngayon (Martes) ng ilang oil companies sa kanilang produktong petrolyo. Ang dagdag-bawas ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, na bumaba ng P0.25 kada litro ang gasolina, habang tumaas naman ng P0.20 kada litro sa kerosene at P0.35 naman sa diesel na epektibo alas-12:01 kagabi.
Ayon kay Ina Soriano ng Pilipinas Shell ang ipinatupad na dagdag-bawas sa presyo ng kanila produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Inaasahan naman na susunod na ring mag-anunsyo sa pagbaba sa presyo ng langis ang ilang pang kompanya.
- Latest