^

Metro

Bahaing lugar sa Quezon City, pinareresolba

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nananawagan ang mga guro mula sa grupong Teacher Dignity Coalition (TDC) kay Quezon City Mayor Herbert Bautista na aksiyunan ang palagian nilang sakripisyo  sa binabahang lugar papunta sa Lucas Pascual Elementary school sa Brgy. Baesa   na araw-araw na lang baha kahit hindi umuulan.

Ayon kay teacher Benjo Basas, chairperson ng  TDC, matinding kalbaryo na ang dinadanas  hindi lamang mga guro ng paaralan kundi lalu na ng mga kabataang mag -aaral dito at mga magulang sa araw- araw na pagsuong sa baha.

Ang tubig-baha anya ay may mga domestic waste na maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga taong tatawid dito.

Sinasabing ang pamunuan ng barangay ay naipaalam na sa lokal na pamahalaan ng lungsod ang problema pero wala pa ring  nangyayari.

Maging ang mga residente din sa Ilang-Ilang St. sa Brgy. Mariana ay dumadaing na rin sa pamahalaang lungsod Quezon dahil sa binabaha nilang lugar.

Bagamat matagal na umanong alam ng mga kinauukulan na binabaha dahil sa mababa ang lugar, sa matagal na panahon ay wala namang pag-aksyon na ginagawa rito.

Isa pa umano sa nakikitang problema dito ay ang pagkasakal ng creek na nag-uugnay sa creek sa Kamuning kung kaya hindi agad nakakadaloy ang tubig kundi sa kalsada at sa mga residente rin ang punta.

May mga planong proyekto rito, subalit hindi naman masimulan sa hindi malamang dahilan. Maraming ginagawang kalsada malapit sa lugar subalit tila umano napag-iiwanan ang Ilang-Ilang St. na lubha pa ngang mas mababa kaysa sa ibang pinagkaka­abalahan.

 

ACIRC

ANG

AYON

BENJO BASAS

BRGY

ILANG-ILANG ST.

LUCAS PASCUAL ELEMENTARY

MGA

NBSP

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

TEACHER DIGNITY COALITION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with