^

Metro

Utak sa P700-M investment scam, pinalaya

Lordeth Bonilla at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinalaya ng pulisya kamakalawa ng gabi ang babaeng uma­no’y utak ng P700 million investment scam, na dinakip kamakailan matapos itong ireklamo ng 40 katao na kanya umanong niloko sa Parañaque City.

Sinabi ni Senior Supt.  Ariel Andrade,  hepe ng Parañaque City Police, bandang alas-11:00 na ng gabi nang pansamatalang pala­yain ang suspek na si Maria Angeline Libanan-Martirez, 25, taga Citadela Drive, Citadela Executive Village, Las Piñas City hinggil sa kasong syndicated estafa na kinakaharap nito.

Ito aniya ay base sa kautusan ng Parañaque City Prose­cutor’s Office habang nagsasagawa ng karagdagang imbestigasyon laban dito. Lumalabas na hindi aniya pumasok sa large scale at syndicated estafa ang kasong isinampa laban kay Martirez kung  kaya’t  pinalaya ito ng piskalya.

Samantala, isinailalim na sa  lookout bulletin order ng Dept. of Justice si Martirez at Mark Anthony Martirez, kasunod ng kahi­lingan ng Parañaque City Prosecutor’s Office. Nabatid na may­roon nang reklamo na nakabinbin laban sa mag-asawang Martirez sa piskalya ng Parañaque.

Dalawampung porsyentong tubo kada buwan ang pangako umano ni Martirez na kikitain ng kanyang mga investor.

ACIRC

ARIEL ANDRADE

ATILDE

CITADELA EXECUTIVE VILLAGE

CITY POLICE

CITY PROSE

CITY PROSECUTOR

LAS PI

MARIA ANGELINE LIBANAN-MARTIREZ

MARK ANTHONY MARTIREZ

MARTIREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with