^

Metro

Hi-tech CT scan, X-ray machine ipamamahagi

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naniniwala si  Manila 3rd District Councilor Bernardito Ang na malaki ang maitutulong ng makabagong medical equipment na ibibigay sa Justice Jose Abad Santos Hospital sa Binondo, Maynila.

Ayon kay Ang, kailangan na mas maging hi-tech ang mga gamit sa  ospital  upang  mabigyan ng maayos serbisyo ang mga Manilenyo na nasa ikatlong distrito ng  Maynila.

Sinabi ni Ang na hindi nakailangan pang  gumastos ng  mahal upang malaman ang  resulta ng kanilang medical laboratory.

Paliwanag naman ni Dr. Merle Sacdalan, director ng  JJASGH, na mas madali ang  pagsasagawa ng  CT scan at X-ray sa mga pasyente bunsod na rin ng  makabagong  kagamitan na kanilang matatanggap.

Ang CT scan na Digital X-100 MA at GE Co. Digital 40 X-ray ay makapagbibigay ng mas komprehensibo at  mabilis na  resulta  ng medical examination ng bawat pasyente.

Giit niya, ang  CT scan ay 16 slices na nangangahulugan na bawat bahagi ng katawan ay masisilip ng  machine upang mas maging konkreto ang pagsusuri.

Ayon kay Sacdalan, ang mga nasabing medical equipment ay donasyon mula  sa  Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industries, Inc. na pinamumunuan ni  Angel Ngu.

ANG

ANGEL NGU

AYON

BINONDO

DIGITAL X

DISTRICT COUNCILOR BERNARDITO ANG

DR. MERLE SACDALAN

FEDERATION OF FILIPINO-CHINESE CHAMBERS OF COMMERCE AND INDUSTRIES

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS HOSPITAL

MAYNILA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with