^

Metro

Smoke free at pollution free, ipinanawagan ni Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa publiko na gawing smoke free at pollution free ang Metro Manila lalu na ang Quezon City  kasabay sa isinagawang pagdiriwang ng ‘Lung Month’ sa Lung Center of the Philippines.

Ayon kay Belmonte, dapat magkaisa ang bawat mamamayan na gawing malinis sa polusyon ang hangin dahil sa epektong dulot nito sa kalusugan ng bawat indibiduwal.

Anya, batay sa kanyang nalaman, ang respiratory diseases ay dulot ng paninigarilyo at polusyon sa hangin kung saan 50 percent anya ng mga smokers ay namamatay dahil sa lung cancer at iba pang kahalintulad na sakit.

Ang kalidad naman anya ng hangin sa QC ay lumalala laluna kung weekdays dahil sa usok ng mga sasakyan sa mga lansa­ngan na nagdudulot ng asthma, bronchitis at iba pang airborne illnesses­. Si Belmonte ang guest speaker sa ginanap na launching­ ng ‘Lung month’ ngayong Agosto.

ACIRC

AGOSTO

ANG

ANYA

AYON

LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES

LUNG MONTH

METRO MANILA

QUEZON CITY

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

SI BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with