^

Metro

2 pa nag-suicide sa Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang laborer ang nagbigti matapos ang pakikipagtalo sa kanyang live-in partner dahil sa tsismis na may kinalolokohan ang huli na ibang lalaki sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili, nakilala ang nasawi na si Nilo Pereyra, 25.

Nangyari ang insidente ganap na alas-7:30 ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa  Ruby St., Sitio Rasbusna, Brgy. East Fairvew sa lungsod. Bago ang insidente, kinompronta umano ng biktima ang kinakasama nitong si Rose Ann Embestro kaugnay sa umiikot na tsismis na mayroon itong kinalolokohang ibang lalaki.

Para hindi na humaba ang komprontasyon, nagpasya si Embestro na umalis muna ng kanilang bahay at iwan ang biktima. Subalit, pagkabalik nito ng nasabing oras ay nakakandado na ang pintuan ng kanilang bahay. Ilang ulit na kinatok ni Embestro ang pinto pero walang sumasagot dahilan para puwersahin na niyang buksan ito.

Pagpasok sa loob ng bahay ay saka tumambad sa kanyang harapan ang katawan ng biktima habang nakabitin sa kisame gamit ang nylon cord.

Sa isa pang insidente,  alas-9:35 naman ng gabi nang madiskubre ring nagbigti si  Ronnie Navarro, 24, sa loob ng kanilang bahay sa Ilocos Sur St., Brgy. Sto Cristo, Bago Bantay sa lungsod.

Ayon kay PO2 Alvin Qui­sumbing, natuklasan ang biktima ng isang border nitong si Allen Suan nang puntahan siya nito sa kanyang kuwarto para i-tsek. Kawad ng kuryente ang ginamit nito sa pagbibigti.

Hindi naman mabatid ng kaanak ang dahilan ng biktima para gawin ang insidente.

vuukle comment

ALLEN SUAN

ALVIN QUI

ANG

AYON

BAGO BANTAY

BRGY

EAST FAIRVEW

EMBESTRO

HERMOGENES CAPILI

ILOCOS SUR ST.

NILO PEREYRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with