^

Metro

Rollback uli sa presyo ng petrolyo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produkto ang ilang kompanya ng langis ngayong araw na ito (July 28).

Sa abiso kahapon ng Petron at Flying V, bumaba ng  P0.70 kada litro  ang kanilang  gasolina, P0.60 sa diesel habang P0.40 naman ang bawas sa presyo ng kerosene at epektibo ito ala-12:01 ng madaling-araw.

Ang pagbaba sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa panda­igdigan pamilihan.

Inaasahan naman na susunod na ring mag-anunsyo sa pagbaba sa presyo ng langis ang ilang pang kompanya ng langis, na may ka­halintulad na halaga.

Nabatid na pang-anim na rollback na ngayon buwan ng Hulyo nagpatupad ang mga oil companies.

Magugunitang huling nag­patupad ng bawas presyo sa mga produktong pet­rolyo ang mga kumpanya ng langis­ ay noong Hulyo 21 ng taong kasalukuyan.

ACIRC

ANG

FLYING V

HULYO

INAASAHAN

LANGIS

MAGUGUNITANG

NABATID

PETRON

PRESYO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with