^

Metro

Estudyante sugatan sa riot

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang masayang reunion sa mga dating high school classmates, na-ospital ang isang 21 anyos college student na nasa malubhang kalagayan nang saksakin sa leeg at likod ng nakalabang grupo rin ng kalalakihan habang naglalakad pauwi, sa Paco, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Michael Planada, residente ng no. 1181 Int. 30 Bo. Sta. Maria, Paco, Maynila na nagtamo ng isang tama ng saksak sa leeg at dalawa sa likod.

Sa ulat ni PO3 Cristanto Celestial ng Manila Police District- Station 6 dakong alas-2:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Pedro Gil at Santiago Sts.,  Paco. Naglalakad  papauwi ang biktima kasama ang ilang mga dating kaklase sa high school nang dumaan ang isang pampasaherong dyip na may sakay ding grupo ng kalalakihan.

Nagkatinginan at nagsigawan ang mga sakay at ang grupo ng biktima hanggang sa magsibaba ng dyip ang kabilang grupo na nauwi sa panunugod.  Nagrambulan ang dalawang grupo hanggang sa may isa sa kalaban ang nagbunot ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima.

Nang makitang duguan na at humandusay sa kalye ay saka lamang nagsibalikan sa dyip at pinaharurot palayo.

Hindi naman umano nagawang makuha ng mga ka-grupo ng biktima ang plate number ng dyip dahil inuna umanong maisugod sa pagamutan ang biktima.

vuukle comment

ANG

CRISTANTO CELESTIAL

GRUPO

MANILA POLICE DISTRICT

MATAPOS

MAYNILA

MICHAEL PLANADA

NAGKATINGINAN

PEDRO GIL

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SANTIAGO STS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with