^

Metro

Demolisyon ng Quinta Market, 6 pa, tuloy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy ang demolisyon ng Quinta Market at sa anim na iba pang public market sa lungsod­.

Ito ay matapos umanong ibasura ng Manila Regional Trial Court ang petisyon ng Quinta Public Market Association hinggil sa demolisyon nito.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, nakasaad na walang legal na karapatan ang mga vendors upang hadlangan ang rehabilitasyon na bahagi ng  urban renewal ng  lungsod.

Ang rehabilitasyon ng Quinta­ Market ay isasagawa ng Market Life Management and Leasing Corporation sa bisa na rin ng Manila Joint Venture Ordinance 8346.

Paliwanag ni Estrada, ka­ilangan nang isailalim sa rehabilitasyon ang palengke na 80-anyos na dahil na rin sa panganib na dulot nito. Hindi umano niya maaaring isapa­laran ang kapakanan ng mga vendors at mamimili.

Ikinababahala ng mga vendors na makuha ng ibang nais na magpuwesto ang ka­ni­­lang mga puwesto sa pa­lengke samantalang matagal na umano silang nakapu­westo dito.

Ilalagay pansamantala ng mga vendors sa gilid ng establisimyento na maliit ang sukat kumpara sa kanilang kasalukuyang lugar. Inirereklamo din ng  mga vendors ang maliit na puwesto subalit mataas na singil ngayong napipinto ang reha­bilitasyon ng Quinta Market.

Anim pang mga palengke ang sasailalim din sa rehabilitasyon.

ACIRC

ANG

AYON

MANILA JOINT VENTURE ORDINANCE

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARKET LIFE MANAGEMENT AND LEASING CORPORATION

MGA

QUINTA MARKET

QUINTA PUBLIC MARKET ASSOCIATION

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad