^

Metro

‘Bad morning’, sumalubong sa mga pasahero ng MRT-3

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - ‘Bad morning’ ang sumalubong sa libu-libong pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng umaga makaraang pababain ng tren dahil sa dalawang beses na aberya sa biyahe.

Nabatid na pinababa ang mga pasahero ng isang tren sa bahagi ng Santolan Station southbound, dakong alas-5:30 ng umaga matapos bumaba ang boltahe ng kuryente.

Ayon sa MRT-3, kinakaila­ngang pababain ang mga pasahero at itigil ang operasyon dahil magiging delikado ang pagpapatakbo ng tren at makakaapekto sa preno nito.

Ayon kay MRT-3 General Manager Ramon Buenafe, depektibong pintuan naman ang dahilan nang pansamanta­lang pagtigil ng southbound trip ng MRT-3 sa GMA-Kamuning Station, pagitan ng Cubao station, dakong alas-7:00 ng umaga.

Nabatid na ito na ang ikatlong sunod na araw ngayong Linggo na naperwisyo ng aberya ang mga pasahero ng MRT-3.

Matatandaan nitong Miyerkules lamang ay tumirik ang isang northbound na tren ng MRT sa Shaw Boulevard station, tumirik din ang isang tren sa pagitan naman ng Guada­lupe at Boni Station nitong Martes.

ACIRC

ANG

AYON

BONI STATION

CUBAO

GENERAL MANAGER RAMON BUENAFE

KAMUNING STATION

METRO RAIL TRANSIT

NABATID

SANTOLAN STATION

SHAW BOULEVARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with