^

Metro

Expired na food products, nasamsam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 73 kilo ng mga expired food products ang nakumpiska ng  Quezon City health department habang ibinebenta  sa isang talipapa sa  Balintawak market.

Ilan sa mga kumpiskadong food items ay tomato sauce, spaghetti sauce, seasoning mix, powdered juice, cocoa power, cheese spread, uncooked macaroni noodles,­ sotanghon at ‘pancit’ noodles na walang labels at walang expiry date.

 Ayon kay city veterinarian Dr. Ma. Ana Cabel, ang nakumpiskang mga noodles ay nagpapakita rin ng senyales ng discoloration at pigmentation na nakasilid sa mga sako habang naibebenta sa mga consumers samantalang ang cocoa powder­ ­at powdered juice ay naibebenta nang walang label ang plastic packs.

Bunga nito, pinayuhan ni Cabel ang nakabili na ng ganitong mga uri ng produkto na huwag nang lutuin at kainin upang maka­iwas sa food poisoning at gastro-intestinal infections kasama na ang pagtatae. May mga bote rin anya ng acetone ang kanilang nakumpiska bukod sa mga pagkain.

“July 2014 pa po ang expiry date ng karamihan sa mga produktong nakum­piska namin,” pahayag ni Cabel. (Angie dela Cruz)

 

ACIRC

ANA CABEL

ANG

ANGIE

AYON

BALINTAWAK

BUNGA

CABEL

DR. MA

MGA

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with