^

Metro

Tanod utas sa sinitang magnanakaw

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang ba­rangay tanod makaraang pagsa­saksakin ng isang itinuturong magnanakaw habang nagta­trapik ang una sa kanilang barangay sa Caloocan City,  kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo General Hospital dahil­ sa mga saksak sa sikmura ang biktimang nakilalang si Eduardo Garcia, 53, ng Brgy. 32, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ngayon ang tumakas na suspek na si Cedric Sy, alyas Pungay, 36, ng L. Lupa St., ng naturang barangay.

Sa imbestigasyon, luma­labas na unang sinita ni Garcia si Sy sa pagnanakaw nito ng mga scrap na bakal sa isang bakanteng lote sa kanilang barangay kamakailan.

Dito na umano nagtanim ng sama ng loob ang suspek sa tanod.

Dakong alas-5:30 kama­kalawa ng hapon, nagma­mando sa daloy ng trapiko ang biktima sa may A. Mabini St. nang sumulpot si Sy at sunud-sunod na undayan ng saksak si Garcia saka mabilis na tumakas dala ang patalim na gamit nito.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CEDRIC SY

EDUARDO GARCIA

GARCIA

LUPA ST.

MABINI ST.

SHY

SY

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with