^

Metro

Simula Abril 1: ‘No registration, no travel policy’, ipapatupad ng DOTC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigpit na ipapatupad ng pamunuan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang ‘No registration, no travel policy’ sa lahat ng motorista simula sa Abril 1.

Ayon kay DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya, inimpormahan na niya ang lahat ng traffic law enforcement sa bansa na istriktong ipatupad ang bagong policy para sa lahat ng ‘four-wheeled motor­ vehicles’ na bumibiyahe sa bansa.

Sinabi ni Abaya, ang isang brand new o bagong sasakyan ay dapat sa loob lamang ng isang linggo ay may registration na at pitong araw lamang bibigyan ng exception upang hindi pigilin at arestuhin ang driver nito.

“We held back from implementing this rule before, because the lack of license plates was our responsibility. But now that we have been able to issue new license plates within 7 days from start of registration, we have no more reason not to implement the law,” sabi ni Abaya.

Lahat ng hindi susunod sa bagong policy ng DOTC ay pagmumultahin ng P10,000 habang ang driver nito o nagmamaneho ng sasakyan ay pagbabayarin ng P1,000.

Sa mga sasakyan naman na wala pang plaka na masisita ng mga awtoridad ay kailangang magprisinta ng kanyang Official Receipt at Certificate of Registration (OR-CR) upang makaiwas sa abala at multa.

Ang sinumang driver na walang maipakitang OR-CR ng minamanehong sa­sakyan ay pagmumultahin ng P5,000.

ABAYA

ABRIL

AYON

CERTIFICATE OF REGISTRATION

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

JOSEPH EMILIO ABAYA

LAHAT

MAHIGPIT

OFFICIAL RECEIPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with