^

Metro

Rehabilitasyon ng Magallanes Interchange, ’wag muna-MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil magdudulot ng masikip na trapiko at masasabay pa sa pagkukumpuni ng Ayala Bridge sa Maynila, hindi pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang  kahilingan ng  Department of Public Works and Highways (DPWH) na maipagpatuloy ang rehabilitasyon  ng Ma­gallanes Interchange sa panahon ng Semana Santa. ??

Dahilan ni MMDA Chairman Francis Tolentin­o, lalong sisikip aniya ang trapiko kung itutuloy pa ito dahil makakasabay nito ang ginagawang pagkukumpuni sa Ayala Bridge sa Maynila na nauna nang isinara sa mga motorista.??

Nakadagdag pa aniya rito ang patuloy na konstruksiyon ng Stage 3 ng Skyway na umabot na sa Quirino Avenue, Maynila.??

Sinabi pa ni Tolentino, kahit marami aniyang alternatibong daang binuksan,  kung isasabay ang pagsasara ng Magallanes Inter­change ay baka lalo aniyang sisikip ang trapiko sa mga nasabing lugar.

AYALA BRIDGE

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTIN

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MAGALLANES INTER

MAYNILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUIRINO AVENUE

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with