^

Metro

2 bus nagbanggaan, 10 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinugod sa iba’t ibang paga­mutan ang 10 pasahero ng dalawang pampublikong bus makaraang magkabanggaan sa kahabaan ng EDSA sa Makati City, Linggo ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA), naganap ang banggaan sa northbound lane ng EDSA sa kanto sa may Pasay Road, Makati City na kinasasangkutan ng Precious Grace Transport at JAC Liner.

 Kapwa hawak naman ngayon ng mga otoridad ang mga driver na sina Alex Villanueva ng JAC Liner at Romano Parena, ng Precious Grace Transport.

Ayon kay Villanueva, nakahinto ang minamaneho niyang bus sa kanto ng EDSA-Pasay Road habang naghihintay ng green light nang bigla na lamang banggain ang kanyang sasakyan ng bus ng Precious Grace Transport.

Pitong pasahero sa likuran ng JAC liner ang sugatan, kabilang ang isang mag-anak kung saan kinailangang dalhin pa sa ospital ang ina at isa sa tatlong anak nito habang tatlo namang pasahero ng Precious Grace bus ang nasugatan.

Katwiran naman ni Parena, bigla umanong nawalan ng preno ang minamaneho niyang bus habang palapit sa kanto ng EDSA at Pasay Road. Sinabihan naman umano niya ang mga pasahero na kumapit ng maigi dahil sa wala silang preno.

Tiniyak naman ng Precious Grace Transport na sasagutin ang mga gastusin sa pagpapagamot ng mga sugatan sa aksidente.

 

vuukle comment

ALEX VILLANUEVA

AYON

ISINUGOD

MAKATI CITY

METROPOLITAN MANILA DEVE

PASAY ROAD

PRECIOUS GRACE

PRECIOUS GRACE TRANSPORT

ROMANO PARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with