^

Metro

Police informer niratrat ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondis­yon ang isang babaeng flower arranger sa Dangwa­ Market na sinasabing ‘informer’ ng mga pulis at National Bureau of Investigation (NBI) makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa isang eskinita sa tapat ng kanilang bahay sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa University of Sto. Tomas Hospital ang biktimang kinilalang si Rowena Zaragosa, alyas Weng, residente ng Ma. Clara St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Rogelio Magpantay ng Manila Police District-station 3, dakong alas-2:30 ng mada­ling araw nang barilin ang biktima habang ito ay nasa labas ng kanilang bahay.

Sumulpot umano ang isang motorsiklo na hindi naplakahan sakay ang dalawang lalaki saka agad na pinagbabaril ang biktima.

Matapos ito mabilis na tumakas ang mga suspect sa direksiyon ng Lacson St., sa Dimasalang.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng kalibre .45.

Sa impormasyon mula sa kaanak ng biktima, may isang kakilala umano na nagtungo sa bahay ng biktima at may isang lalaki umano na nakasuot ng jacket naman ang sunod nang sunod.

Lingid umano sa kaalaman ng biktima ay may nakapansin na pabalik-balik ang lalaking nakasuot ng jacket hanggang sa makita na ang kakilala ng biktima ay kausap na umano ng sumusunod na lalaki.

Nabatid na ang biktima ay police at NBI asset sa mga operasyon laban sa iligal na droga.

BIKTIMA

CLARA ST.

CRUZ

LACSON ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ROGELIO MAGPANTAY

ROWENA ZARAGOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with