^

Metro

4 na tulak tiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat na hinihinalang mga kilabot na tulak ng iligal na droga ang naaresto sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa lungsod ng Navotas.

Sa ulat ng Navotas City Police na nakilala ang mga nadakip na sina Danilo Cruz, Jr., alyas “Butchoy”, 33, binata; Romel Felices, 32, binata, kapwa residente ng #100 Interior Brgy. Bagumbayan South; Ernesto Andres, alyas “Jeng-jeng”, 51, ng C4 Road, Brgy. Bagum­bayan North at Richard Manuel, 38, ng Gozon St., Brgy. Tugatog, Malabon City.

Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group sa may Brgy. Bagumbayan South dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon.

Nagpanggap na buyer ang isang miyembro ng pulisya at nagkabayaran para sa isang maliit pa pakete ng iligal na droga. Hindi na nakapalag sina Cruz at Felices nang su­mulpot ang iba pang mga pulis sa paligid at dakpin ang dalawa.  Nakumpiska sa kanila ang apat na maliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit sa buy-bust.

Dakong alas-6:45 ng gabi naman nang maaresto si Andres sa buy-bust operation sa C4 Road, Brgy. Bagumbayan North. Nakuha sa posesyon nito ang dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at marked money. Sa ikinasa namang buy-bust dakong alas-4:45 ng hapon ay  na­dakip si Manuel sa may Pescador Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North.

Nakum­piska sa poses ­yon nito ang apat na ma­liit na pakete na nagla­laman ng hinihinalang droga.

Nahaharap ngayon ang mga naarestong suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

BAGUMBAYAN NORTH

BAGUMBAYAN SOUTH

BRGY

DANILO CRUZ

DRUGS ACT

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

ERNESTO ANDRES

GOZON ST.

INTERIOR BRGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with