^

Metro

Bading bugbog-sarado sa Australyano

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang Australian national matapos nitong gulpihin ang isang bakla nang malamang hindi pala ito tunay na babae, kahapon sa Makati City.

Nasa custody ngayon ng Makati City Police detention cell ang suspek na si Robert Maccann, 47, isang consultant, pansamantalang nanuluyan sa S. Joza Loft Tower, Rockwell, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod.

Bugbog-sarado naman ang biktimang si Jayson Cruz, 23, ng Delas Alas St., Pasay City. Sa report na natanggap ni Senior  Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Makati City Police, base sa pahayag ng biktimang si Cruz, naganap ang insidente alas-7:00 ng umaga sa tinutuluyang condo unit ng suspect.

Bago naganap ang panggugulpi, ayon sa biktima, nakilala niya ang  dayuhan sa may Royal Bellagio,  P. Burgos St., at inimbitahan siya nito sa condominium nito para magpamasahe.

Pinaunlakan naman ng biktima ang paanyaya sa kanya ng suspek at nang nasa kuwarto na ito ng dayuhan ay dito na niya ipinagtapat na hindi siya tunay na babae at isa siyang bakla.

Nagalit ang suspek, kung kaya’t sinakal muna nito bago pinaggugulpi ang biktima. Kahit bugbog- sarado ang biktima ay nagawa nitong makalabas ng kuwarto ng suspek at nakahingi  ng tulong sa mga awtoridad na nagresulta ng pagkakaaresto sa dayuhan.

vuukle comment

BURGOS ST.

DELAS ALAS ST.

ERNESTO BARLAM

JAYSON CRUZ

JOZA LOFT TOWER

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

PASAY CITY

ROBERT MACCANN

ROYAL BELLAGIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with