^

Metro

Dalaga, ni-rape slay sa San Juan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 24-taong gulang na dalaga ang sinasabing ginahasa muna bago pinatay ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanilang tahanan sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni San Juan City Police Chief P/Sr. Supt. Ariel Arcinas, ang biktima na si Robin Jacque Ong, nakatira sa Barangay Batis sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Gener An­tazo, nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi ng ma­tagpuan ang biktima ng kanyang ina na si Josefina na wala nang buhay sa loob ng kanyang kuwarto.

Hinala ng pulisya na ginahasa ang biktima dahil nakahubad ito mula beywang pababa at posibleng nanlaban sa suspek dahil sa nakitang sugat sa kamay at ulo na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Sinabi ni SPO1 Antazo, maaaring natutulog ang biktima nang pasukin ito sa kanyang kuwarto, saka hinalay at posibleng nanlaban  kaya pinatay.

Sumasailalim  nga­yon medico legal exami­nation ang labi ng biktima upang mabatid kung may lace­ration ito.

Sa ngayon ay may lead nang sinusundan ang pulisya para matukoy at madakip ang posibleng may kagagawan ng krimen.

vuukle comment

ANTAZO

ARIEL ARCINAS

BARANGAY BATIS

GENER AN

HINALA

ROBIN JACQUE ONG

SAN JUAN CITY

SAN JUAN CITY POLICE CHIEF P

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with