^

Metro

Pumatay sa ate, di na ipakukulong, ipagagamot na lang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maaari nang makalaya mula sa Manila Police District-Homi­cide Section detention facility ang isang 44-anyos na lalaking pumatay sa sariling kapatid sa pamamagitan ng pananaksak pero dadalhin ito   sa National Center for Mental Health (NCMH) dahil sa sakit umano sa pag-iisip, ayon kay MPD chief, Senior Insp. Melchor Villar.

Kahapon ay mismong mga kaanak ng biktima at ng suspek ang humiling na huwag nang sampahan ng kaso kaugnay sa pagpatay  kamakalawa ng gabi sa kanyang ate  na si Bernadeth, 45, ng Gagalangin, Tondo.

Nabatid na nagsumite na kahapon ng affidavit of desistance si Atty. Ramil Bugayong, abogado ng pamilya sa pagnanais nila  Cesar Lopez at Ma. Adrienne Nakpil na hindi na itutuloy ang kaso.

Hiniling nila na mas makabubuti kong ipadala na lamang sa NCMH upang magamot ang suspek na si Bienvenido Gregorio na kasalukuyang nakapiit pa.

Una  nang napaulat ang pananaksak ng suspek sa kanyang ate makaraang mapikon ang una sa pagtawag sa kanya ng huli ng ‘supot’ .

Pinatunayan din ng Punong Barangay na umaresto sa kanya na kusang umamin sa pagpatay ang suspek at nagtanong pa sa chairman na “chairman supot ba ako?” kasunod ng paglalabas ng kanyang ari. Ang suspek umano ay matagal nang lulong sa iligal na droga na posibleng dahilan upang mawala sa katinuan.

ADRIENNE NAKPIL

BIENVENIDO GREGORIO

CESAR LOPEZ

MANILA POLICE DISTRICT-HOMI

MELCHOR VILLAR

MENTAL HEALTH

NATIONAL CENTER

PUNONG BARANGAY

RAMIL BUGAYONG

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with