^

Metro

5 tauhan ng towing services na kumuyog sa parak, inireklamo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inireklamo ng isang pulis-Maynila ang limang miyembro ng isang towing services na kumuyog sa kaniya dahil sa pag-alma niya kaugnay sa sapilitang pag-towing sa kanilang sasakyan at pilit umanong pinababa ang kaniyang ina na ipagagamot sa Manila Doctor’s Hospital, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa salaysay ni SPO1 Jay Donato sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (GAIS) nakahimpil pansamantala ang sasakyan nilang Toyota Vios sa tapat ng Manila Doctor’s  Hospital sakay ang kapatid niyang lalaki at ina na ipako-confine sa nasabing pagamutan nang lapitan ng  RMW Towing Services.

Dakong alas-5:00 ng  hapon ng maganap ang insidente nang pilit pinababa ang ina niya habang ang kaniyang kapatid ang pansamantalang nagmaneho dahil sumaglit siya sa kanyang unit sa MPD-Theft and Robbery Section.

Nang tawagan siya ng kapatid ay agad siyang pumunta at nakiusap sa limang personnel ng towing services subalit  nagalit pa umano at nagsabing “Kay Isko ka magreklamo.”

Sa puntong iyon ay pinagtulungan umano siyang sapakin ng mga towing personnel at nang makita ng kapwa pulis ay rumes­ponde kaya nagsialisan ang mga suspek sakay ng towing truck.

Sa kasalukuyan ay kinikilala pa ni SPO1 Donato ang mga suspek, na ang isa ay nakilala sa alyas na “Wong”.

Nang makita ng kapwa pulis na sinasaktan si Donato ay sumaklolo ang mga ito pero mabilis na kumaripas ng takbo ang mga suspek at sumakay ng kanilang truck papalayo.

DONATO

JAY DONATO

KAY ISKO

MANILA DOCTOR

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

NANG

THEFT AND ROBBERY SECTION

TOWING SERVICES

TOYOTA VIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with