^

Metro

30-minute heat stroke break, ipapatupad ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Epektibo sa Marso 15, ipa­patupad ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ng 30-minute heat stroke break sa kanilang mga tauhan.

Bukod dito, sa panig ng mga traffic enforcer pagsusuutin na rin sila ng itim na short na panterno sa kanilang pantaas na uniporme habang nagmamantina ng daloy ng trapiko sa Ka­­lakhang Maynila.

Nabatid na hanggang Mayo 31 ang ganitong magi­ging uniporme ng mga enforcer dahil na rin sa ma­tinding init dala ng summer.

Kahapon ay pinanguna­han ni MMDA Chairman To­len­tino ang pagbibigay ng mga short pants sa mga enforcer.

Nabatid, na sa heat  stroke break policy, hahatiin sa da­lawa ang oras ng break ng mga enforcers, ang una sa pagitan ng ala-1:30 hanggang alas-2:30 ng hapon at  alas-2:30 hanggang alas-3:00 naman ang susunod.

Bukod dito, mayroon ding water jug na irarasyon sa lahat­ ng mga en­forcers upang re­gular ang kanilang paginom ng tubig para iwas de­hydration. Ang heat stroke break ay ipapatupad din sa mga street cleaners.

Layunin pa rin ng hakbangin ng MMDA ay upang maprotektahan ang kalusu­gan ng mga tauhan laban sa matinding init partikular sa mga may edad na mabibilad  sa gitna ng init ng araw.

BUKOD

CHAIRMAN TO

EPEKTIBO

KAHAPON

LAYUNIN

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

NABATID

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with