^

Metro

Ama, itinumba sa harap ng anak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang 57-anyos na lalaki sa harap ng kanyang binatilyong anak ng isang hindi pa nakikilalang salarin habang sakay ang mag-ama sa isang owner-type jeep, kamaka­lawa ng gabi sa Malabon City. Isinugod pa sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Edison Jacinto, alyas­ Dodong Trophy, negosyante, at residente ng Brgy. Tugatog, ng naturang lungsod  subalit hindi na rin ito umabot pang buhay.

Samantala, isinasailalim naman sa counseling ng City Social Welfare Department ang 13-anyos nitong anak na nakasaksi sa pamamaslang sa ama.

Sa ulat, sakay ng kanilang owner-type jeep ang mag-amang Jacinto dakong alas-10:10 ng gabi pagkagaling sa isang burol sa Kaunlaran Street, Brgy. Muzon.  Nakahinto ang sasakyan sa may Kagitingan Street sa naturang barangay at nang papaandar na sila ay biglang lumapit buhat sa likuran ang isang hindi nakilalang salarin saka binaril sa likod ng ulo ang biktima.

Nagawa namang makatalon palabas ng jeep ng anak ng biktima.  Natapakan naman ng walang malay na biktima ang selinyador ng sasakyan na umandar at bumangga pa sa isang puno habang agad na tumakas ang gunman.

Pag-aaralan naman ng pulisya ang video footage ng naka­kabit na CCTV malapit sa lugar ng krimen habang tumanggi naman ang mga kapamilya ng biktima na magbigay ng pahayag sa mga imbestigador dahil umano sa takot.

vuukle comment

BINARIL

BRGY

CITY SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

DODONG TROPHY

EDISON JACINTO

KAGITINGAN STREET

KAUNLARAN STREET

MALABON CITY

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with